Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Ex-Chief Justice nagbantang kakasuhan ang nagsasabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda

 

Nagbanta si dating Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno na kakasuhan ang mga netizens na nagsasabing na ninakaw ni Kris Aquino ang mga alahas ni dating First Lady Imelda Marcos.

Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Sereno ang kanyang pagbabanta laban sa mga netizens.

Sabi niya: “Simula ngayon, kukuhanan na namin ng screenshots ang lahat ng magko-comment ng ganito, pati ang profile details niyo, at ipadadala sa Bangko Sentral, sa PCGG, at sa sinisiraan n'yong tao.

“Dalawang government institutions po at isang individual ang sinisiraan n'yo. Paano po n'yo sinisiraan ang PCGG at Bangko Sentral?

“Sa ilalim ng batas, hindi nila maaaring galawin at ipagamit sa maling paraan ang mga assets na ipinagkatiwala sa kanila, gaya ng mga alahas na nasamsam na ill-gotten wealth.

"In effect, inaakusahan n'yo ang PCGG at Bangko Sentral ng paglabag sa batas.

"Dati po ay dinadaan lang natin sa paliwanag na walang basehan ang akusasyon nila kay Kris Aquino, Bangko Sentral ng Pilipinas, at sa PCGG.

“Ngunit hindi po tumitigil ang ganitong mga masasamang bintang at krimen po iyan. Kaya’t iipunin na po namin ang mga screenshots ng ganitong mga comments at ipadadala sa kinauukulan.

“Nasosobrahan na po ang pagiging kriminal ng mga gawain n'yo."




Ex-Chief Justice nagbantang kakasuhan ang nagsasabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda
Source: News Flash Trending

Post a Comment

0 Comments