Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Deniece Cornejo naglabas na ng pahayag kaugnay sa pagkakakulong kay Vhong Navarro

 

Naglabas na ng kanyang pahayag si Deniece Cornejo sa pagkakakulong ng actor at host na si Vhong Navarro.

Sa post ng ABSCBN News reporter na si Niko Baua ay ibinahagi nito na tumanggi raw na magpa-interview si Deniece ngunit naglabas ito ng pahayag.

Ayon kay Deniece, kung siya raw ang instrumento bilang ehemplo sa mga babaeng inabuso at sinasaktan para maging matatag ay ipaglalaban raw niya.

"Kung ako instrumento upang maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasasaktan at nasasamantalahan. Paglalaban ko at paninindigan." sabi ni Deniece sa kanyang statement

Peru base sa post ng kapamilya fan page na Kapamilya Online World ay ang nasabing statement ni Deniece ay parehas lang sa statement niya noong 2014.

Anong masasabi mo dito?



Deniece Cornejo naglabas na ng pahayag kaugnay sa pagkakakulong kay Vhong Navarro
Source: News Flash Trending

Post a Comment

0 Comments