Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Ogie nagpasaring sa mga politikong laging wala sa panahon ng kalamidad

Di mapigilang maglabas ng kanyang prangkang saloobin ang komedyanteng si Ogie Diaz kaugnay sa mga politiko na laging wala sa panahon ng kalamidad.

Kung panahon pa raw ngayon ng kampanya ay panigarado na maraming mga politiko ang agad agad nagbibigay ng tulong.

Litanya ni Ogie sa kanyang facebook post:

“Sa oras talaga ng kalamidad n'yo masusubukan ang mga kandidatong sinuportahan n'yo at nanalo -- kung magpaparamdam o deadma sila sa inyong nararamdamang pighati dulot ng bagyong Paeng.

"Alam ko, maaaring sa ibang pagkakataon, andu'n ang mga pulitiko, pero sa oras na kailangang-kailangan n'yo sila, du'n n'yo sila gusto n'yong maging karamay, di ba?

“Appreciated naman natin yung ‘my thoughts and prayers are for you’ ng mga kandidato thru their ‘press statement,’ pero alam n'yo yon? Iba pa din kung ramdam n'yo sila.

“Yun bang kahit wala sila on the ground physically, pero nagpahatid ng tulong, ayuda o suporta. Minamahal natin ang mga ganitong klaseng public servant. Minamarkahan natin sila kung paanong markado rin sila pag ‘sinayang’ nila ang boto natin.

"Yes, hindi ngayon ang panahon para haluan ng pulitika, pero ang mga pulitiko ang may budget, ang may kapasidad na makatulong. Pero sad to say, andaming absent sa panahon ng kalamidad.

“Kung panahon ng kampanya lang ngayon, panigurado -- lahat 'yan, may pa-relief goods, may pa-yero, may pa-ayuda, may malasakit, may pagyakap, may pagluha. Sila mismo, pupuntahan ka pa sa bahay, kukumustahin, makikidalamhati, magmamando sa mga kasama na asikasuhin kayo.

"Ang problema, tapos na po ang eleksyon. Iilan na lang ang consistent na bigyan ng kahulugan ang salitang ‘public service.

“Yung iba, they just wanted the position, but not the job,” ayon sa talent manager.



Ogie nagpasaring sa mga politikong laging wala sa panahon ng kalamidad
Source: News Flash Trending

Post a Comment

0 Comments