Proud na ibinahagi ni Angelica Panganiban ang kanyang mga natutunan bilang isang ganap na ina.
Sa kanyang post sa instagram ay ikinuwento niyang ang kanyang mga natutunan.
Sabi niya:
"2 months into motherhood, at eto mga natutunan ko.
"Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You'll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo (ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito),"
"Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpa dede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks," dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ni Angelica na hindi na siya nakakapagdamit dahil maya't maya ay kailangan magpa-breastfeed.
"Pangatlo, hindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo," kwento niya.
"Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby.
"At, matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo,"
Kaya naman sa dulo ng kanyang post ay inamin ni Angelica na saludo siya sa mga nanay.
Si Angelica Panganiban ay kilalang actress, model, TV host at comedienne. Isa siya sa tinaguriang seasoned and most versatile actresses dito sa Pilipinas.
Angelica Panganiban ibinahagi ang natutunan niya bilang isang ina
Source: News Flash Trending
0 Comments