Inilipat na ang actress at tv-host na si Kris Aquino mula sa Texas papuntang Los Angeles para sa patuloy nitong pagpapagamot.
Kinumpirma ito ng Writer-editor na si Dindo Balares sa kanyang facebook post.
Matatandaan na diagnose si Kris ng apat na Autoimmune Disease.
Basahin dito ang buong post ni Dindo.
"Kumusta na si Kris?
As sharp as ever at makulit pa rin.
Kumpirmado ang inilabas ni Ogie Diaz sa YouTube na umalis na sa Texas at lumipat sa Los Angeles si Krisy.
May ipinadala siyang video with Kuya Josh at Bimb, puwede sanang i-screen grab para pang-update sa kanilang followers, pero 'di ko naipagpaalam kaya itong isa sa mga dating photo namin muna ang ipo-post ko.
Bakit may kasamang tree-planting activity ko sa bundok?
Dahil simulang mag-retire ako sa diyaryo, nakasubaybay si Kris sa pagbabalik ko sa pagtatanim. Bonding at pang-goodtime ko sa kanila ni Bimb ang pagpapadala ng photos tuwing nasa bundok ako. 'Di kasi nila gets noong una kung bakit ko ipinagpalit sa lupa, mga halaman, at manok ang trabaho sa city.
Pero agad din namang naintindihan. Kailangang gamutin ang lupa upang maibalik ang nutrient density ng mga pagkain. Healthy soil, healthy plants, healthy people.
Mula sa pag-uumpisa, laging updated si Kris sa experiments ko sa natural fertilizers. Aliw na aliw at napakalutong ng tawa niya nang malamang uminom ako ng ginawa kong lactic acid bacteria serum (isa sa fermented biofertilizers na ginagamit sa Korean Natural Farming).
Natutuwa rin siya sa propagation ko sa Japanese sweetpotato at iba pang superfoods.
"Please tell me if there’s anything Kuya Dindo The Farmer needs," sabi niya sa akin paglipat niya sa LA.
"O, hayan ka na naman," sagot ko. "Nagpapagamot, e. Ikaw na muna. Ikaw naman na muna. 'Wag na muna ang ibang tao."
"Hindi ka ibang tao, Kuya Dindo, you are FAMILY. Please, it's the least I can do."
Bigtime kulitan, ganyan kami.
Gusto niyang suportahan ang ginagawa kong soil regeneration.
For the first time, may tumawag sa akin ng environmentalist. Si Krisy.
Inakala kong passive listener lang siya sa mga kuwento ko tungkol sa mycorrhizal fungi na kinu-culture ko at ginagamit namin sa pagtatanim sa bundok. Inalam niya, na ito o living soil ang solusyon sa napakaraming problema ngayon sa mundo at sa kalusugan ng mga tao, at higit sa lahat -- sa climate change.
She's as sharp, concern, and loving as ever."
Kris Aquino inilipat sa Los Angeles para sa patuloy na pagpapagamot
Source: News Flash Trending
0 Comments