Humihingi ng tawad ang actor na si Baron Giesler sa mga LGBTQ community na kanyang nasaktan noon.
Sa isang virtual media conference kung saan nagpromote ang actor ng kanyang Vivamax movie na “Barumbadings,” na kung saan gumanap siya bilang bading ay ikinuwento niya ang tungkol sa tatlong bading na nasapak niya noon at humingi siya ng tawad.
“I think this is the best time to make amends to those I’ve hurt during the times that I was a very bad boy, barumbado. Kunwari may madaanan lang akong bading, nasasampal ko sa mukha,” sabi ng actor
“Siguro wala pa naman lagpas 5, siguro nasa 3. Kung sinuman kayo, sana po ay mapatawad niyo na ako.”dagdag pa niya
Grateful din si Baron matapos siyang mabigyan ng pagkakataon ng magsorry.
"First, it’s not good to hurt anyone psychologically, physically. It’s really bad. Be kind to everyone and respect begets respect and respect boundaries as well. Nu’ng time na ’yun kasi kasagsagan ko ng alak and drugs,"sabi ni Baron
“Noong nasa loob ako ng rehab, isa ’yan sa mga when I dug deep sa kaluluwa ko, sa puso ko, sa utak ko, nakita ko ’yung mga past mistakes ko, and I said, ‘Sobrang maling-mali talaga ’yung ginawa ko. Hindi ’yun dapat. Hindi ’yun tama.’ Sorry from the bottom of my heart.”dagdag pa niya
Samantala makakasama ni Baron sa kanyang movie sina Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, at Joel Torre.
Baron Giesler nagsorry sa mga bading na kanyang nasapak noon: "Sana mapatawad niyo ako"
Source: News Flash Trending
0 Comments