Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Cristy Fermin may prangkang reaksyon sa bagong motion na inihain ni Deniece Cornejo

 

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa bagong motion na inihain ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Naghain kasi ang legal team ni Deniece ng motion for reconsideration para i-reverse ang Taguig RTC’s decision na i-grant ang bail petition ni Vhong Navarro.

Naghain rin ang kampo ni Cornejo ng motion for reconsideration na may motion para i-inhibit ang hearing ng kaso mula sa inihain niya laban kay Vhong sa Taguig RTC Branch 69 under Judge Loralie Datahan. 

"Akala pa naman natin wala nang dapat pang alalahanin si Vhong Navarro dahil siya ay pansamantala nang nakalalaya." ang naging reaksyon ni Fermin sa mga motion na inihain ni Deniece laban kay Vhong sa kanyang show na "Cristy Ferminute"

"So eto, panibagong problema na naman ito para kay Vhong Navarro,"dagdag pa niya

“So parang ang kwento, Nay, parang pinayagan na lang mag-Pasko. Parang pa-bonus na lang.” ang reaksyon naman ng kasama ni Fermin na si Rommel Chicka 

Tila nag-agree naman si Fermin sa sinabi ni Rommel: “Parang ganon, diba? Parang gano'n ang suma total na parang, 'Pinayagan ka lang namin na mag-Pasko't mag-Bagong Taon na kasama ang pamilya mo pero eto kami, kumikilos ulit kami ngayon para mabalik ka sa kulungan.' Parang gano'n.”

 “Napakasakit niyan para sa damdamin ni Vhong Navarro. May bago na naman siyang poproblemahin,” dagdag pa ni Fermin




Cristy Fermin may prangkang reaksyon sa bagong motion na inihain ni Deniece Cornejo
Source: News Flash Trending

Post a Comment

0 Comments