Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Ian Veneracion sobrang proud sa anak niyang lesbian

 

Photos: ianveneracion1/Instagram

Sobrang proud ang actor na si Ian Veneracion sa kanyang na si Deirdre na isang lesbian. Sa kanyang post sa instagram nito lamang June 12, ay ibinahagi ng actor ang tungkol sa kanyang anak.

$ads={1}

Ipinost ni Ian ang larawan ni Deirdre na naging cover sa Preview PH, sa naturang larawan makikita na sobrang seryoso ng kanyang anak ngunit napaka-cool nito tingnan.

Sa kanyang caption ay inilahad ni Ian ang kanyang buong suporta sa kanyang anak at inilahad din ng actor ang kanyang pagmamahal.

"Seriously, let’s all just cut the bullsh*t. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity—not for the choices they make in the privacy of their bedrooms. Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business. -Proud Daddy,"aniya sa kanyang post 

$ads={2}

Matatandaan na na inilahad ni Deirdre na siya ay isang lesbian noon siya ay 16 years old pa lamang. 

Si Ian Veneracion na may tunay na pangalan na Stephen Ian Lopez Veneracion ay ipinanganak noong February 7, 1973. Siya ay isang kilalang  Filipino actor, athlete, pilot at singer.

Nagsimula na si Ian sa kanyang acting career noong 1992. Bumida rin siya sa Kapamilya series na "A Love to Last" kasama si Bea Alonzo, at "Pangako Sa'Yo" kasama si Jodi Sta. Maria.



Ian Veneracion sobrang proud sa anak niyang lesbian
Source: News Flash Trending

Post a Comment

0 Comments